Limited face-to-face classes, okay sa Senado

Limited face-to-face classes, okay sa Senado

Sang-ayon ang mga senador sa limited face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na ‘low risk’ sa COVID 19.

Kaugnay nito, aprubado na sa Senado ang inakdang Senate Resolution No. 663 na iniakda ni Sen. Sherwin Gatchalian, na inirerekomenda ang pilot testing ng localized limited face-to-face classes, na ang DepEd ang tutukoy.

Nakasaad sa resolusyon na voluntary at dapat may permiso ng mga magulang ang pagpasok muli sa eskuwelahan ng kanilang anak.

Nararapat din pag-usapan ng DepEd, DOH at Inter-Agency Task Force ang mga susunding health and safety protocols.

Dapat ding siguraduhin na may sapat na suplay ng malinis na tubig, sanitation areas, hand washing stations, sabon at alcohol sa mga bubuksan ng paaralan.

Ang mga lokal na pamahalaan ay may responsibilidad para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng eskuwelahan.

“Kahit tuluyan na nating masugpo ang COVID-19, patuloy pa rin tayo sa pagtugon sa mga pinsalang dinulot ng kawalan ng face-to-face classes. Bukod sa pag-urong ng kaalaman, kabilang din dito ang pag-akyat ng mga kaso ng karahasan, pang-aabuso, at ang pagdami ng mga batang ina,” sabi pa ni Gatchalian.

READ  Group of Teachers: Philippine Air Force Helicopters purchase better spent on education, health

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *