Skip to content

‘Huwag pagurin ang mga guro, lighten their workload’ – Gatchalian

‘Huwag pagurin ang mga guro, lighten their workload’ – Gatchalian

Senator Win Gatchalian is asking the new administration to lessen the workload of public school teachers so they can focus on their teaching duties.

Gatchalian pointed that lightening the workload of teachers affects the quality and delivery of education.

“Sa pagtataguyod ng kapakanan ng ating mga guro, dapat tiyakin nating nailalaan nila ang mas maraming oras para tutukan ang kanilang mga mag-aaral,” Gatchalian said.

“Mahalagang pagsikapan nating maalis na sa mga guro ang mga trabahong walang direktang kinalaman sa kanilang pagtuturo, lalo na’t ang makikinabang dito ay ang ating mga mag-aaral,” he added.

Gatchalian proposes  the immediate release of funds for the 5,000 Administrative Officers (AO) in public elementary and high schools under the Department of Education (DepEd). DepEd has already requested the release of these funds from the DBM.

Gatchalian urged the DepEd to adopt the proposal of PIDS to conduct evidence-based studies on teacher workload.

He said this is to rationalize the job functions of teachers, allow to balance their workload, and give more of their time to improve learner outcomes.

14 thoughts on “‘Huwag pagurin ang mga guro, lighten their workload’ – Gatchalian”

  1. Teachers should have no janitorial works. It should be purely teaching load. That’s why we are called teachers because our main job is to teach.

  2. Magandang hapon po bilang isang adviser teacher nais ng aming punungguro na gawin din po akong School Feeding Coordinator sa aming paaralan. Napakahirap pong pagsabayin ang mga gawaing ito kahit pa bawasan ang aking advisory load. Alam naman po nating balik Face to Face Class. Napakahirap pong tanggapin ang dalawang mabigat na gawaing ito para sa akin dahil ako po at mag 51 taon na at may enlargement of the heart. Sana naman po mapigil ang pagiging School Feeding Coordinator ko. Gusto ko pong mag focus sa pagtuturo. Sa panahon po ngayon kahit Gr.4 ay hirap pa din sa pagbabasa. Kaya nga po araw- araw ay mayroon akong Remedial Class sa aking mga mag-aaral. Paano ko po ito magagawa kung araw-araw ay nasa feeding room ako at ang daming reports na gagawin? Salamat po sana makarating sa mga kinauukulan na mabigyan kami ng mga guro na papalit sa mga lumipat na guro sa probinsiya, namatay at for retir
    ement na.

    1. yes po, ako din po ay grade one teacher at nasa akin din po ang nutrition coor na napakaraming kailangang gawin. bukod po doon ako din po ay Filipino coor, treasurer ng school, sbm coordinator din po. Ang sabi po ng mam ko pag may boys’scout ako din po ang aatend as cubs’
      scout coor

  3. Tanggalin ang RPMS, performance bonus, mass promotion ng students, tsaka yung mga pa-contest at presentation na walang kakwenta kwenta.. puro nalang role playing ay video making at tiktok making ang ginawa ng mga bata!

  4. Itaas din ang sweldo naming mga guro dagdagan o doblehin dahil iyon ang nararapat. Di na sapat ang aming natatanggap para maitaguyod ang aming pamilya. Itigil na ang mga forms na paulit ulit at dapat may mga naka-assign na ibang tao pra rito. Ayusin ang mga pagset-up ng deadline at wag laging sa guro ang sisi.

    1. Provide enough vacant time for teaching loads schedule…hwag po 6 na klase sunod sunod..5 klase sunod sunod…pno na makakakain si teacher..maene gize man lang bgo ang susunod na klase…sa schedule na shifting ang klase ..kapag nagstart ng 6 am ang hinto na ay 12 pm..
      Sobrang Wala ng energy sa mga huling klase..
      Pag aralan po Sana ang teaching loads per day..Yung makatotohanan lang po…Sa bawatt klase mayroong 50 students above..
      Nkita po Sana ng nakatataas ang totoong senaryo sa school…
      Bukod p po dyan ang mga additional task na walang kinalaman sa pagtuturo…

  5. computer age na daw tayo pero bakit mas maraming paper works at naparaming mga programs ang deped na pinapagawa sa mga guro tuloy hindi na maasikaso ang main function na magturo…napakarami ng mga non readers dahil din sa sistema ng deped…

  6. Actually ang binibigyang pansin ng Deped ang NCR lang, kung mag research ang Deped official huwag naman sa mga opisyales na nandiyan, magtungo sila sa mga lalawigan at magtanong o di kaya mga teachers ang dapat nila e conference kung ano talaga ang mga ginagawa at pinagagawa nga mga opesyales ng Deped, kagaya ng past admin kung ano lang ang sasabihin ng mga usec aswc na hindi naman talaga pumupunta sa mga paaralan kung ano talaga ang nangyayari. Dahil sila ang may sabi wala na talagang karapatan ang mga teachers sa kanilang hinaing. Sobra sobra na po ang mga gawain ng mga teachers, kagaya ng magpafeeding, magpadeworm, magpa earthquake at fire drill, magpacontest ng kung ano ano, at gumawa nga mga paperworks kagaya ng mga forms at report na nababawasan na ang oras sa pagtuturo, Asan diyan ang Quality ng pagtuturo kung ang inuuna ang mga reports. Kung mga may puso Deped sa mga mga bata at guro, ;wag naman nilang bigyan ng workload na sobra sobra, lahat nga mga coordinatorship nasa guro na at uuhahin pa ang mga reports keysa pagtuturo dahil ito daw ay importante at ASAP at kung hindi matapos sa deadline e sisi ng principal sa mga guro at sasabihin pa sa iyo na kung hindi mo kaya magresign ka nalang, hamakin mo yan!

    Sana naman gayahin natin ang ibang bansa kung bakit mas mataas ang kalidad ng edukasyon, sa ating gobyerno bakit? Hindi sila kurakot, compesated sila hamakin mo ang Singapore, Thailand at Indonesia ang salaty range from 50k to 60k, dito kung may mga anak ka at nag aaral mula. Elemwtary hanggang college, kasya ba naman ang 25k? di ba maganda at masaya magturo kapag hindi kulang ang sueldo? at saka ang mga teachers doon turo lang ng turo at walang ibang gawain hindi kagaya natin dito magtuturo ka tapos ang principal may emergency meeting, may ASAP na ipagawa ang Division, at kung ano anong mga reports, talagang STOP ka sa pagtuturo dahil uunahin yong mga report dahil ASAP at para hindi masisi.
    Kaya sa mga kinauukulang bagong mga opisyales ng deped, pakiayos ng lahat nga ito at kung ayaw nyong maniwala magpakababa kayo dyan ang maging teacher 1 isang week lang at nang malaman nyo kung anong hirap ang dinadanas ng Teacher 1 to Teachera 3 at mag sueldo rin kayo ng 25k pakasyahin nyo sa buong buwan.

  7. Please po sana ay alisin na ang IPCRF at ibalik na lang ang CB PAST. Dagdag po ang IPCRF sa stress ng mga guro lalo na kung hindi mo kasundo o kabarkada o kadikit ang head teacher mo. Alisin na din po ang mga clerical work lalo na ung mga thesis na sa guro pinapasagutan ang mga info o data. Nais po naming magfocus sa bata hindi sa dami ng paper works. Pati ung tradisyunal na multiple choice exam na walang ginawa ang mga kundi hulaan. Pero ang mas matindi walang bumabagsak kahit alam natin na hindi naman karapatdapat na makapasa ang bata. Hindi tuloy sila nagpupursigi dahil pumapasa sila kahit walang gaanong effort. Pero ang pinakamaganda po taasan nyo ang sweldo namin at babaan ang tax. Salute Sen. Gatchalian.

  8. Ako po ay isang Guidance Teacher since 2010.Up to now T3 pa run po ang category nmin.Marami na pong nagretire na at di pa rin naipapasa ang batas na maging Guidance Counselor ang mga Guid.Teacher na may required MA units.Magibg ang aming salary po ay nsa ilalim po ng Teacher 3.Patuloy pa rin po kaming may teaching load bukod sa pagigibg Guidance Advocate.Sana po ay bigyang aksyon ang aming inihaing letter sa DepEd Main Office na inabutan na po ng Pandemic at halos matatapos na ang Pandemic ang aming sulat ay natabunanan na.Dalangin namin sa bagobg Administrasyon na bigyang pansin ang usaping ito.

  9. Ako dn po ay may mga Coordinatorships Sana lng po tsnggalin na po yong madamibg COORDINATORSHIP na assigned did lng po isa kada teachers na COORDINATORSHIP po naka assigned sa Isang guro..Sana dn po yong mga clerical works eh d na ipagawa sa mga guro bagkus po maghure po ng Isang taong gagawa nito kc po napag iiwanan po namin yong klase namin po…Sana mapagtuunan po ito ng pansin po ng bagobg DepEd Secretary po natin o ng buong Ahensiya po

  10. Sana po ay maabolish n ang maraming programs na Meron ang DepEd n wla nmn impact sa bata..gaya n lang ng pagpipilit s mga guro n gumawa ng research at innovation, isama pang ibang school reports n iniutos ng principal dahil d niya mgawa dahil s sobrang dami Kya ipinpasa s guro,,gayon din Ang SBM n sandamakmk n papel ang iniipon para my maipakita sa bisita kpg validation at need lagi i-update n Wala nmn kakwenta kwenta,papel p lang malaking trabho n s guro Kya ang ngyyare, mgpapadala lang ng seat work s klase para makagawa ng paper works na to be submitted ASAP. ..Wala ng pag asa ang matuto nang maayos ang mga bata kung patuloy ang gantong kalakaran sa DepEd, sna nmn ay may mabago.. …at bukod s paperworks ngtitinda pa s canteen ang guro, nagluluto,nagpapakaen sa feeding,ngbbantay sa gate, nagpupurga, nagjajanitor,nagbblang ng equipment,nanghihingi ng donasyon, nagbabasura,ngpapa toothbrush pa at nagpapahugas kamay….ang dami ng program sa DepEd..Sana lang kung s tingin ng nasa TaaS ang mga program n ito ay malaking tulong sa mga bata, sanay pag isipan p nila nang maigi

  11. Isa rin po akong taga DepEd.Totoo po un kg apaper works ,pauliulit na reports at mga asap pa madalas..Ako po ay nasa small school,kaya po ang mg atasks ng mga trachers halos 4 n beses o higit pa…Sana po ang mga paper works at sandamakmak na reports wag na ipagawa .Yung din pong mga contests sana wag na rin po madalas nasasacrifice ang mas maraming nag aaral pra lang masanay o matrain ang iilan.Masaklap din po me mga mga pabayang magulang ..Halos di man po nagpapakita sa guro at makumusta ang sitwasyon ng anak.
    Ang school head nagmamanage po ng teaching process kaso kapag wala pong aid, clerk at disbursing , liason at pag minsan tagahanap pa ng pondo para sa mga kulang sa skul…Mas masaya po sana kung ang feeding ,deworming ,community related activities tulad ng mga alay lakad,fiesta presentations ,mga surveys at samu saring mga gawaing halos ala nmng kinalaman sa pagtuturo idelegate na po sana sa ibang agencies.Lubhang madaming workload ang mga guro pati school heads at kung sana maayos po ang sistema mas gagaling at sasaya pa ang mga mag aaral.
    Salamat po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *