Skip to content

Nagpositibo sa Covid19 na 100 LET examinees, hindi pinayagang mag-exam

Nagpositibo sa Covid19 na 100 LET examinees, hindi pinayagang mag-exam

Hindi pinahintulutan na mag-exam ang 100 Licensure Examination for Teachers examinees nitong Linggo ng magpositibo sa Covid19 antigen test.

Ayon kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., Cauayan Schools Division Superintendent, ang mga naturang examinees ay hindi kasama sa opisyal na listahan ng 1,500 aspiring teachers na kumuha ng pagsusulit sa Cauayan City National High School at Cauayan North Central School.

Hinatid ang mga nagpositibo sa isolation units ng mga eskuwelahan para sa quarantine.

Hindi na sila isasailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction test (RT-PCR Test).

“It is saddening to know that they would not be allowed to take the examination. However, they will be rescheduled in next batches of examinees,” ayon kay Gumaru.

Tiniyak naman ni Gumaru na fully vaccinated ang mga guro na watchers sa LET.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *