Learning Module na gumamit ng salitang ” makakantot ” viral, DepEd nagpaliwanag

    Learning Module na gumamit ng salitang ” makakantot ” viral, DepEd nagpaliwanag

    Isa na namang learning module ang viral ngayon sa social media dahil sa paggamit nito ng malaswang salita.

    Narito ang eksaktong mga katagang ginamit sa isang module para sa mga batang nasa Grade 10, na iprinesenta ni Antonio Clipjo Go sa mga mambabatas at sa Deped:

    “Aswang – siya rin ay isang diyos pero ang Aswang ay pinaniniwalaan na ito’y tao na kumakain ng kapwa tao, kung minsan ang mga ito ay pinapaniwalaan na may mga pakpak at sila raw ay gising kung gabi para maghanap ng makakantot or maaaswang.”

    Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, kabilang ito sa mga naitalang 155 errors ng DepEd, dahilan para sila’y maglabas ng mga errata.

    “Ginawan na po ‘yan ng errata ng [DepEd] Division office na concerned… Region III. Naglabas po ang superintendent ng instruction na mali ‘yung nilalaman ng activity learning sheet na ito,” ani San Antonio sa parehong pagdinig.

    “Ako, hindi rin po ako masaya na may mga mali-mali. Pero dahil nangyayari pa rin ang mga maling ganito ay kailangan may proseso para maisaayos.”

    Nakapagkalap na ang gobyerno ng 163 pagkakamali sa mga learning materials na inireklamo sa pamamagitan ng binuong “Error Watch” ng DepEd.

    Narito ang breakdown ayon sa datos na nakalap:

    • locally developed materials (104)
    • unknown sources (23)
    • developed art material mula sa pribadong publisher (1)
    • textbook ng DepEd (1)
    • mga nabanggit sa DepEd TV episodes (5)
    • galing sa mga inisyu ng DepEd central office (29)
    See also  Group of Teachers: Philippine Air Force Helicopters purchase better spent on education, health

    Matapos i-validate ang mga reklamo, lumalabas daw na tanging 155 lang ang beripikadong errors.

    “It’s disappointing. 155 is substantial… ‘Yung unknown sources eh, paano niyo ia-address ‘yun? That’s 25%,” ani Rep. Sharon Garin.

    “Hindi ba nakakatakot ‘yan that… nakakalusot ‘yan at hindi niyo alam kung saan nanggaling?”

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *