Lahat ng guro target mabakunahan sa Agosto – Galvez

    Lahat ng guro target mabakunahan sa Agosto – Galvez

    Kumpiyansa si vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na mababakunahan ang lahat ng mga guro sa darating na Agosto.

    “Just in case talagang magkakaroon tayo ng open face-to-face sa ating education, kailangan po ‘yung lahat ng teachers ay mabakunahan po,” saad ni Galvez.

    “Iyon po ang aming commitment kay Secretary Liling, na before end of August, ‘yung mga teachers po ay mabakunahan po natin,” dagdag niya.

    Dagdag pa ni Galvez na tatapusin na ang pagbabakuna sa 1.8 milyong kawani ng gobyerno at 2.2 milyong mga overseas Filipino workers.

    “Gusto na rin na po tapusin natin po ‘yung pagbabakuna sa ating mga security sector, lalong-lalo na po pati ‘yung OFWs, pati ‘yung teacher,” ayon pa kay Galvez.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *