K-12 Graduates Hindi Pwedeng I-Discriminate Sa Trabaho – SOLON

    K-12 Graduates Hindi Pwedeng I-Discriminate Sa Trabaho

    Ikinakasa ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang panukala na magbabawal sa employment discrimination sa mga K-12 graduates.

    Sa kanyang House Bill 10304 o ang proposed K to 12 Graduates Empowerment Act, pakay ni Vargas na magkaroon pa ng mas maraming oportunidad sa mga estudyanteng nakatapos ng Senior High School.

    “The K to 12 curriculum is standard and competency-based and is built around the needs of the learners and the community,” pahayag ng mambabatas sa kanyang explanatory note.

    Idinagdag pa niya na kapuna-puna na iilan lamang ang opsiyon para sa mga senior high school graduate dahil sa diskriminasyon.

    “Some employers require entry level employees to have college degree or be enrolled in college, regardless of whether the degree is related to the job opening before they can apply,” dagdag pa ng mambabatas.

    Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang notice advertisement na may diskriminasyon sa mga K to 12 Program graduate.

    Ipagbabawal din ang pagtanggi sa isang K to 12 graduate dahil sa kawalan ng college degree o unit maliban na lang kung ito ay may kinalaman sa job opening.

    At bawal din ang diskriminasyon pagdating sa suweldo, terms and condition at mga pribilehiyo sa K to 12 graduates.

    See also  Gurong Magpapabakuna Laban Covid19 Tatanggap ng Incentive - DepEd

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *