DepEd Kinuswestiyon Sa Paiba-Ibang ICT Packages

    DepEd Kinuswestiyon Sa Paiba-Ibang ICT Packages

    Pinuna ni Senadora Imee Marcos ang Information and Communications Technology packages na ibinibigay ng Department of Education sa mga guro at estudyante.

    Sa paliwanag ni Education Secretary Leonor Briones, saad nito na nagbago sila ng polisiya na mula printed materials ay ginawang paperless learning.

    Dagdag ni Briones, mas magiging magastos ang pagpi-print ng modules kaysa paperless.

    Target ng DepEd ngayong taon na maibigay ang may 37,221 ICT packages.

    Ngunit dahil sa pagbabago sa presyo ng mga computer at tablets, ibinaba ng DepEd sa 65,000 ang ICT packages.

    “Hindi ba nakakanerbiyos paiba-iba? Ano ba talaga ang ide-deliver? Bakit paiba-iba?” tanong pa ng senadora.

    Hiniling ni Marcos sa DepEd na bigyan sila ng update sa pagtugon sa mga rekomendasyon ng Commission on Audit.

    “Out of the 619 recommendations made by COA, only 296 were implemented. May we know the status of those recommendations and why they were poorly implemented?” tanong ni Marcos.

    Saad ni Briones na nagsumite na sila ng written explanation sa mga isyu at naghihintay na lamang ng kasagutan ng COA.

    See also  Rep. Romulo to DepEd: Postpone class opening if not ready

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *