50K mag-aaral sa Grade 1-3, hirap magbasa
Batay sa isinagawang assessment ng Department of Education, nasa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa.
Base sa survey, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy assessment, lumabas na may 49,636 learners na maituturing na “total full refresher.”
“So lahat ng ating mga eskwelahan ay patuloy na hinahanap iyong mga non-numerates, non-literates,” ani DepEd-NCR Director Wilfredo Cabral.
Kaya naglatag na ng learning recovery at continuity plan ang mga paaralan.
Sinigurado din ng DepEd-NCR na handa sila sa mandatong full in-person classes sa Nobyembre, kahit may kakulangan sa classroom.
“So some of those schools will be finishing or will be completed by November, but beyond probably deadline of November 2. But, just the same, within the year, all of us can go to full in-person classes,” aniya.