Skip to content

DepEd tututukan ang mga hindi marunong at mabagal magbasang mag-aaral

DepEd tututukan ang mga hindi marunong at mabagal magbasang mag-aaral

Kasabay ng Brigada Eskwela inilunsad ng Department of Education-Palawan Schools Division Office ang Brigada Pagbasa.

Saad ni DepEd-Palawan Schools Division Superintendent Roger F. Capa na inilunsad ang Brigada Pagbasa upang tutukan ang mga mag-aaral na papasok ng Grade 1 at Grade 2.

Ayon pa kay SDS Capa, dahil sa pagkakaroon ng pandemya sa loob ng dalawang taong panuruan ay natitiyak nilang hindi natututukan sa pagbasa ang mga batang papasok ng Grade 1 at Grade 2.

Sa pamamagitan ng Brigada Pagbasa, ay maihahanda ang mga mag-aaral na hindi pa marunong magbasa at mabagal magbasa para sa pagpapatupad ng full face-to-face classes sa Nobyembre 2.

Sa ngayon ay umaabot na sa 126,873 ang nakapag-enrol para sa School Year 2022-2023 sa lahat ng mga paaralan sa Palawan at inaasahan na tataas pa ito.

Tatlo ang pwedeng pagpilian sa pagpapaatupad ng DepEd-Palawan na paraan ng pagtuturo hanggang sa Oktubre 31, 2022. Ang mga ito ay ang: 1, Limang araw na ‘in person classes’; 2, Blended learning modality; at 3, Full distance learning. 

Tiniyak naman ng DepEd ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro sa pagbabalik ng face-to-face classes.

1 thought on “DepEd tututukan ang mga hindi marunong at mabagal magbasang mag-aaral”

  1. sana sa lahat wag lang sa grade 1 grade 2
    may mga nkagraduate na slow reader pa din
    sana sa lahat matutukan awkward naman mas mglng pa yung mga primary sa junior high
    hinihintay ko na sana maging maganda ang flow ngaun at baguhin ang grading system mas kwawa sila aangat ng level pero ung reading skills nila poor pa din .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *