Hindi bawal gumamit ng social media ang mga guro – DepEd
Nilinaw ni Department of Education Spokesperson Atty. Michael Poa na hindi pinagbabawalan ang mga guro na gumamit ng social media.
Kaugnay ito sa kontrobersiya sa Department Order No. 49.
Ayon kay Poa, nakasaad sa DO No. 49 na pinaiiwas ang mga guro na makipag-ugnayan sa mga estudyante sa labas ng class hours.
“We are not ordering teachers not to use social media. What we are saying is there should be a line between teachers and the learners. Once teachers cross that line, it might create a lot of problems,” ani Poa.
Sa ilalim ng DO 49, “Deped personnel have to avoid relationships, interaction, communication, including following social media with learners outside of the school setting, except if they are relatives.”
Sinabi ni Poa na ang mga nakaraang sexual abuse na kinasasangkutan ng mga guro at estudyante ay gumamit ng mga private message bilang ebidensiya.
“Department Order 49 was not meant to sow fear. We want to maintain professionalism among our teachers,” ayon kay Poa.