Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Grade 12 Hinagisan ng Scotch Tape ng Teacher, Naospital

Grade 12 Hinagisan ng Scotch Tape ng Teacher, Naospital

Naospital ang isang grade 12 students, matapos umanong hagisan ng isang rolyo ng scotch tape ng kanyang guro sa isang pampublikong paaralan sa General Santos City. Kinikilala ang inirereklamong guro na si Cristine Britania.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima, nangyari umano ang insidente noong October 12, dahil sa kakulitan ng kanyang anak ay, nagalit ang guro at hinagisan ito ng matigas na bagay. Sa tindi ng tama ay nahilo ang biktima at nagsusuka. Dinala ang biktima sa hospital subalit pinauwi ito ng doktor ng bumuti ang lagay nito. Pagdating ng bahay ay muli itong nagsusuka at ibinalik sa hospital.

Mahigit isang buwan na sa hospital ang biktima at kinakailangan umanong operahan dahil sa namumuong dugo sa kanyang utak. Nag-ambag-ambag ang mga guro at estudyante pangtulong sa hospital bills ng biktima ngunit kulang pa ito.

Iniimbistigahan na ng DepEd GenSan ang pangyayari at hinihintay din ang pormal na reklamo ng biktima laban sa kanyang guro.

OUR LATEST POST