Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Harvard University papapasukin sa bansa

Harvard University papapasukin sa bansa

Isusulong ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture chairperson Sherwin Gatchalian ang panukalang mag-iiba sa ilang probisyon sa Saligang Batas, kasama na ang pagpapalakas lalo ng sektor ng edukasyon.

Ayon kay Gatchalian, sa ngayon ay hindi pinahihintulutan ang foreign ownership sa mga paaralan sa bansa.

“Ang education system, bawal ang foreign investor na mag-invest sa mga eskuwelahan dito sa atin. Pero alam naman natin ngayon ang pinakamagagaling na eskuwelahan ay nasa ibang bansa tulad ng Harvard, tulad ng Stanford at gusto nating akitin ang mga ganitong klaseng eskuwelahan na magtayo ng branch dito o ng eskuwelahan man lang para tumaas ang antas ng edukasyon sa ating bansa,” pahayag ni Gatchalian.

Saad ng senador na nakita niya sa United Arad Emirates na nagbukas na ang ilang malalaking eskuwelahan tulad ng Oxford at Harvard.

Dagdag pa niya na kung ang mga ganitong klase ng paaralan ang papasok sa bansa, ang makikinabang ay ang mga lokal dahil tataas din ang kanilang kaalaman lalo na sa Research and Development.

“Ito ‘yung isang bagay na gusto nating amyendahan kasama ng ilan sa economic provisions,” pagbibigay-diin ni Gatchalian.

OUR LATEST POST