Gurong tumalon sa rooftop ng paaralan
Patay at basag ang bungo ng isang guro matapos umanong tumalon mula sa rooftop ng kanilang paaralan. Naganap ang insidente sa Asia Business Cooperative Academy sa Abejuela-Corrales Sts, Cagayan de Oro.
Ang biktima ay kinilalang si Ian Oreg, 35-anyos, residente ng Scions, Kauswagan, Cagayan de Oro, at guro sa naturang paaralan.
Ayon kay Police Senior Master Sergeant Robin Galleor, imbestigador ng DVSoria Police Station, bago pa man ang insidente ay napansin na raw ng mga kasamahan sa trabaho ng biktima na kakaiba ang kinikilos nito.
Natagpuan na lamang ang biktima na wala nang buhay sa pinagbagsakan nito. Nasa 50 talampakan ang gusali na tinalon ng biktima.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.