Gurong Magpapabakuna Laban Covid19 Tatanggap ng Incentive – DepEd

    Gurong Magpapabakuna Laban Covid19 Tatanggap ng Incentive

    Pinag-aaralan ng Department of Education ngayon kung anong incentive ang maaari nilang ibigay sa mga gurong magpapabakuna laban sa Covid19.

    Ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, bumuo ng komite si Education Secretary Leonor Briones para dito.

    “The Secretary had actually created a committee headed to really look to either monetary or non-monetary incentive package for our teachers,” sabi ni Garma sa isang virtual press briefing Martes ng hapon.

    Ayon kay Briones na may mga local government unit na nagpapa-raffle ng cash, gadget, kotse o di kaya’y house and lot bilang reward sa mga gurong nagpabakuna.

    “May mga agencies na big time ‘yung pa-raffle nila. Very fortunate ang ating sector na maraming nagmamahal sa mga teachers,” ani Briones.

    “So planuhin natin ‘yan nang husto. Pero right now regular, meron silang incentives, maliban pa sa incentives ng mga local government,” dagdag ni Briones.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *