Skip to content

Guro, prayoridad sa pagbababa ng retirement age

Retirement age

Nais ni Senador Joel Villanueva na maging prayoridad ang pagbababa ng retirement age sa mga pampublikong guro. Ito ay kung hindi pa handang ipatupad ito sa lahat ng government employees.

Kaugnay ito sa mensahe ng Government Service Insurance System na posibleng apektado ang actuarial life ng GSIS kung ibababa ang mandatory at optional retirement age.

Sinabi ng senador na maaring itaas ng kaunti ang retirement age kung hindi kakayanin ang 55 ay maaari itong gawing 56, 57 o 58.

Dagdag pa ng senador pwede ring unti-untiin itong ipatupad sa bawat sektor ngunit dapat maging prayoridad ang mga guro.

“I made another option na kung hindi talaga kaya kung paniniwalaan natin anng GSIS pronouncement which I doubt, kasi ang affordability klaro naman kaya nila, we can also focus doon sa sector ng teachers,” sabi ni Villanueva.

Saad ng senador na pag-aaralan ng technical working group ng Senado ang panukala at ng maendorso sa plenaryo.

5 thoughts on “Guro, prayoridad sa pagbababa ng retirement age”

  1. I really wish for an early retirement. Since we cant cope up with the trend of technology. Even just age 56, 57,58 as long as you serve for at least 30 years

  2. Gusto ko na po talagang magretire ngayon pa lng stress po talaga lalo na ngayon na pinaalis na kami ng superintendent sa school faculty kung saan kami dito nagprint ng mga modules para sa mga learners.

  3. Aysus, kawawa naman ako kc I’m now 49 years old but until now hnd pa rin ako employed sa Dep Ed. MLGU paid teacher lng ako sa school na pinasukan ko dati. Lagi akong umaasa sa RQA since 2016 pero umabot na ng 2022 ay hnd pa rin ako nabibigyan ng item. Kapag ibinaba ng 56 years old ang retirement age, wala na akong pag asa

  4. Sana mapabilis Ang approval s senado n mapababa Ang edad Ng retirement nmin mga guro dahil Isa n din Po Ako s may problema n s akin kalusugan n Kong saan may sakit n Po Ako s puso marami n din Po kming mga guro n gustong magretire s edad n 57 sana Po mabigyan Ng pansin s Senado Ang mga karaingan Ng mga guro n mapababa edad Ng retirement Ng mga guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *