Skip to content

Guro na kabit ng isang konsehal, posibleng tanggalan ng lisensya – DepEd

Guro na kabit ng isang konsehal, posibleng tanggalan ng lisensya

Ayon kay Dr. Salustiano Jimenez, DepEd-7 Director kung mapapatunayan na ang isang guro ay kabit, maaari itong sampahan ng kasong administrative case.

Ito ay matapos lumabas ang isyu tungkol sa isang public school teacher na diumanoy may relasyon sa isang konsehal sa lungsod ng Pinamungajan.

Sa ngayon, naghihintay lamang ang DepEd ng formal complaint upang bigyan ng kaukulang aksyon na dadaan sa due process.

Kung mapapatunayan, ang kaparusahan ay depende sa bigat ng kaso. Kung ito ay sadyang mabigat, maaaring tanggalan ng lisensya ang guro upang hindi na magamit ang propesyon nito.

Pakiusap ni Jimenez sa mga guro na huwag gumawa ng anumang kahalayan at iskandalo dahil mataas ang tingin ng publiko sa mga guro at dapat magsilbing role model ang mga guro sa mga mag-aaral at komunidad.

3 thoughts on “Guro na kabit ng isang konsehal, posibleng tanggalan ng lisensya – DepEd”

  1. Truly no matter if someone doesn’t be aware of after that
    its up to other people that they will assist, so here it takes place.

  2. Teachers should be role model on good conduct. Many people are looking at us manifesting right behavior in public wherever you go.
    Be it bigamy, adulterous, concubinage, phedophile, staffa, thief, a grieve misconduct, once proven bwyond reasonable doubtone ahoukd face the verdict and the circumstances that goes along with it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *