Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Guro na inakusahan ng panggagahasa sa mga estudyanteng lalaki, naaresto

Guro na inakusahan ng panggagahasa sa mga estudyanteng lalaki, naaresto

Makalipas ang halos dalawang taon pagtatago ay nadakip na ang guro na inaakusahan ng panggagahasa at pangmomolestiya sa kanyang mga estudyanteng lalaki noong 2018.

Si Marvin Apostol ay sinampahan ng 13 counts of rape at seven counts ng act of lasciviousness.

Ayon sa mga nagrereklamong mga magulang,pinapapunta umano ng suspek sa kaniyang bahay ang mga estudyante para turuan at pinangakoan ng mataas na grado.

Sinibak sa paaralan si Apostol simula ng maakusahan at nagtago.

Inakala ng mga magulang ng mga biktima na hindi na mahuhuli ang suspek.

Mangiyak-ngiyak ang suspek sa harap ng mga magulang ng mga biktima para patawarin.

“Humihingi pa ako ng paumanhin sa nagawa ko pong pagkakamali at sana po ay mapatawad nyo po ako. Pinagsisihan ko po yung mga ginawa ko,” ayon kay Apostol.

OUR LATEST POST