Skip to content

Guro at tricycle driver, patay matapos mabangga ng dump truck sa Quezon

Guro at tricycle driver, patay matapos mabangga ng dump truck sa Quezon

Patay ang isang tricycle driver at ang pasaherong guro nang mabangga ng dump truck sa Tayabas City, Quezon ngayong Martes.

Base sa report ng Tayabas City Police Station, binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Abner Pabellano ang highway sa Kanlurang Palale  patungo sa sentro ng Tayabas dakong 7:00 a.m. nang banggain sila ng truck na nawalan umano ng preno.

Dead on the spot si Pabellano habang idineklarang dead on arrival sa Quezon Medical Center ang guro na si Hannah Shane De Ocampo. 

Sugatan pero nakaligtas ang tatlong iba pang pasahero ni Pabellano.

Kinilala ang driver ng dump truck na si Christopher Padua.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dump truck at nakatakdang sampahan ng kaso. 

Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *