Grade 9 student g*nahasa ng boyfriend at ng 2 barkada

Grade 9 student g*nahasa ng boyfriend at ng 2 barkada

Umiiyak ng magsumbong sa pulisya ang isang 16-anyos na grade 9 student. Inirereklamo niya ang tatlong lalaki na diumanoy g*mahasa sa kanya.

Ayon kay acting chief of Police, Cpt. Lauro Ad Puno ang mga inireklamong suspek ay sina Nathaniel Dela Cruz, boyfriend ng biktima; Joseph Esguerra at Francis Ngangac, kapwa kaibigan ni Nathaniel.

Batay sa imbestigasyon, lumitaw na sinundo umano ang biktima ng kaniyang nobyo para daw kumain. Ngunit dinala ang biktima sa isang bahay kung saan nag-iinuman ang dalawa pang suspect at pinainom din ang biktima.

Ganap na 1:00 ng umaga nang mangyari ang nasabing panghahalay sa biktima. Nangyari ang insidente habang ang biktima ay nasa impluwensya ng alak, mula sa bahay ng isang nagngangalang Helen Esguerra.

Ang una umanong g*mahasa sa biktima ay ang kanyang nobyo na si Nathaniel at pagkatapos ay sumunod naman ang dalawang barkada nito.

“Actually ma’am ‘yong Nathaniel boyfriend ng bata.. inamin ng boyfriend n’ya sa amin na nagalaw n’ya.. at nang umalis ‘yong bf para raw bumili ng sigarilyo.. sabi ng victim, du’n na siya halinhinang ginalaw ng dalawang kasama ng bf n’ya,” saad ni Puno sa isang panayam.

Kaagad namang naaresto ang mga suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Licab Police Station.

READ  City Savings Bank Advisory on Teachers’ Salary Loan Payment Extension

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *