Face-to-face classes posibleng malapit na – Malacañang

    Face-to-face classes posibleng malapit na

    Posibleng malapit na ang pilot implementation ng face-to-face classes sa ating bansa.

    Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng pagbabakuna laban sa Covid19.

    Nabanggit ni Roque ang ulat ng National Task Force against Covid19 na nasa 11.7 million doses na ng bakuna ang naibahagi hanggang July 4.

    “The President has decided that for now, with the presence of new variants, ayaw muna niyang isugal ‘yung kalusugan ng mga kabataan. But this will not be the same forever,” ayon kay Roque.

    Saad ni Roque na nais lamang ng Pangulo na mas marami pa ang mabakunahan bago pahintulutan ang pagbabalik ng face-to-face classes.

    “Ang sabi naman ng Presidente, ‘Gusto ko munang mabakunahan ang ating mga taumbayan.’ As to how many, hindi natin sigurado po,” saad ng opisyal.

    “But with 12 million of our people being vaccinated and with some cities of Metro Manila hitting 70, even 100 percent of their population being given the first dose, sabihin natin na hindi naman po magtatagal at baka posibleng magkaroon na tayo ng pilot,” dagdag ng opisyal.

    “Antayin lang natin ma-administer pa itong mga bakuna na ito.”

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *