Distance Learning Hindi Dapat Pangmatagalan
Ipinaalala ni Senate Committe on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na ang distance learning ay hindi dapat maging pangmatagalan upang masiguro ang dekalidad na edukasyon sa bansa.
Ayon kay Gatchalian ang pagsisimula ng pagbabakuna sa kabataan ay isang malaking hakbang para maibalik ang face-to-face classes.
Sinabi ng senador na maraming estudyante ang nahihirapan na sa pag-aaral.
Nahihirapan din ang mga magulang at maging ang mga guro sa kasalukuyang sistema.
“May limitations ang distance learning…In short, distance learning is not for long-term action. This is only for short term makatawid tayo,” pahayag ni Gatchalian.
Samantala, naniniwala si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na kailangan nang pag-usapan ang pagbabalik eskwela sa bansa.
Sinabi ni Colmenares na dapat ay matuto na ang publiko na mabuhay na kasama ang virus.
Iginiit ni Colmenares na sa tingin niya ay hindi kakayanin ng DepEd na manatili sa distance learning system.