Skip to content

DepEd Staff nag-suicide

DepEd Staff nag-suicide

Isang staff ng Department of Education (DepEd) ng San Mariano, Isabela ang patay matapos tumalon sa Naguilian Bridge sa nasabing lalawigan noong Biyernes.

Ayon kay Naguilian Police Station (NPS) deputy chief-of-police P/Lt. Frederico Dulay, bago matagpuan ang katawan ng 26-anyos na biktima ay nakatanggap sila nang tawag na isang lalaki ang tumalon sa tulay.

Agad namang rumesponde ang mga pulis kasama ang local rescue team at dito nakita ang palutang-lutang na bangkay ng biktima sa ilog.

Sinabi ng NPS, sa panayam sa pamilya ng biktima na umalis ang huli matapos makitagtalo sa kanyang pamilya at hindi na umuwi.

Ayon kay Dulay, bagamat walang nakikitang anumang sugat o galos sa katawan ng biktima, kailangan pa ring maisailalim sa post mortem examination ang labi nito.

2 thoughts on “DepEd Staff nag-suicide”

  1. Kaya nga it is vital that every division office should have one lisensyadong psychiatrist at isang psychologist na kada araw ay may e apgar test na guro to prevent such shocking scenario. Please.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *