Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

DepEd ipinagdiwang ang National Teachers’ Month; dagdag na sahod sa mga guro, iginiit

DepEd ipinagdiwang ang National Teachers’ Month; dagdag na sahod sa mga guro, iginiit

Nagsimula na ang pagdiriwang ng National Teachers’ Month na may temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino.”

Ayon sa DepEd, layunin nito na pasalamatan at bigyang pugay ang kadakilaan at dedikasyon ng mga guro.

Pinangunahan ng School Division ng Davao del Norte ang kick off celebration.

Matatapos sa Oktubre 5 ang pagdiriwang ng National Teachers’ Month na National Teachers’ Day at World Teachers’ Day.

Nag-protesta kasabay ng selebrasyon ang ilang grupo ng public school teachers para humirit ng dagdag sahod at doblehin ang budget ng edukasyon para sa susunod na taon.

Hiniling ng mga guro na mabigyan ng P10,000 cash allowance kada taon ang mga guro at laptop, at P1,500 na monthly internet allowance.

Tiniyak naman ni  Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tutugunan ng DepEd ang mga problema na kinakaharap ng sektor ng edukasyon at mga guro.

OUR LATEST POST