DepEd Central Office naka-lockdown hanggang March 24

DepEd Central Office naka-lockdown

Inerekomenda ng Department of Education (DEPED) Task Force COVID19 (DTFC) na pansamantalang isara ang central office ng DepEd hanggang March 24 matapos na magpositibo sa Covid19 ang ilang kawani nito.

“The DepEd Task Force Covid19 is hereby recommending the lockdown of the entire DepEd central office complex for seven days from 18 to 24 March 2021,” sabi ni Education Undersecretary for Administration at Chairperson ng DepEd Task Force Covid19 Alain Del Pascua .

Saad ni Pascua, may anim na kumpirmadong may Covid19 ang pisikal na nag-report sa central office nitong nakalipas na 14 na araw.

Ang resulta ng swab test ay inilabas kahapon ng umaga.

Ang pagsusuri ay isinagawa sa central office noong Marso 17, kung saan ang nasabing mga kaso, na pawang asymptomatic, ay nag-report sa kanilang trabaho para sa iba pang preparatory activities na may kinalaman sa kanilang paglalakbay.

Samantala, sinabi ni Pascua na lahat ng empleyado, maliban sa mga miyembro ng central office clinic ay magtatrabaho muna sa kanilang mga tahanan at under quarantine.

“Leaving one’s home while the DepEd central office complex is on a lockdown will forfeit the purpose of the lockdown which is to restrict movement among personnel and to prevent the possibility of their being exposed to or they’re exposing others to the virus,”sabi ni Pascua.

“Exempted from the lockdown are those whose physical reporting to their respective stations is essential to ensure the continuous and smooth delivery of necessary medical and other health-related services and the urgent provision of any emergency response to personnel concerned, the required monitoring of the situation, and the uninterrupted reporting to the ExeCom of concerns requiring immediate action,” dagdag pa ni Pascua.

READ  IF THE SALARY WILL BE GIVEN ON 15 AND 30 EVERY MONTH TEACHERS WILL BE HAPPY: Here are the reasons why

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *