Skip to content

Dagdag-Honoraria ng Teachers ‘Di bababa sa P2k – Comelec

Dagdag-Honoraria ng Teachers ‘Di bababa sa P2k – Comelec

Ayon sa Commission on Elections, hindi bababa sa P2,000 ang dagdag na honoraria ng mga gurong nagsilbi nang sobra sa oras noong May elections dahil sa nagkaaberyang vote counting machines.

Ayon kay Comelec acting spokesman, Atty. John Rex Laudiangco, nais nilang bigyan ng P2,000 overtime pay ang poll workers na nagtrabaho nang sobra sa oras dahil sa problema ng VCMs.

Nilinaw ni Laudiangco na ito ay special incentives at hindi overtime pay.

Sa datos ng Comelec, 915 VCMs ang nagkaroon ng problema kaya posibleng umabot sa mahigit 5,000 guro at poll workers ang tatanggap ng dagdag na sahod.

Dagdag ni Laudiangco na bago aprubahan ng Comelec en banc ang dagdag na honoraria, kailangan munang linawin mula sa kanilang finance department na may pondong pagkukunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *