Guro, patay ng matuklaw ng cobra sa loob ng paaralan

    Guro, patay ng matuklaw ng cobra sa loob ng paaralan

    Patay ang isang 49-anyos na elementary school teacher matapos matuklaw ng Philippine cobra sa loob ng paaralan sa San Luis, Aurora.

    Ang biktima ay kinilala na si Rizza Laureano.

    Batay sa salaysay ng kapatid ng biktima, palabas ng CR ang guro nang matuklaw siya ng ahas na nasa cabinet.

    “Nag-CR lang siya. Paglabas niya ng CR mayroon cabinet na katabi. Ngayon hinawi niya ang kurtina, yung kamay niya na pinaghawi niya ng kurtina, doon siya natuklaw ng ahas,” kuwento ni Michelle Donato.

    Dinala naman kaagad sa ospital ang biktima pero wala umanong anti-venom ang mga pagamutan kaya pumanaw ang guro pagkaraan ng tatlong oras.

    See also  Guro sa Tondo nagtayo ng community pantry

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *