Classrooms at Modules sa Tonsuya Elementary School Nasunog

    Classrooms at Modules sa Tonsuya Elementary School Nasunog

    Tinupok ng apoy ang ilan sa classrooms at modules sa Tonsuya Elementary School sa Malabon noong Sabado.

    Ayon sa salaysay ng mga guro, naabo ang mga modules at iba pang learning materials nang masunog ang mga silid-aralan.

    Sa report ng Bureau of Fire Departmenta-Malabon, umabot lamang sa Alarm 1 ang sunog na naganap alas-10:07 ng umaga noong Marso 27.

    Inamin ni Sr. Inspector Gapasin ng Fire Department na hindi pa nila matukoy ang dahilan ng sunog.

    Wala namang nasaktan sa insidente habang hindi pa masabi kung magkano ang danyos.

    Inaalam pa ng mga guro kung ano pang mga kagamitan ang nadamay sa sunog maliban sa mga learning module.

    See also  Advisory on September 2020 Payroll Deduction in line with 60-Day Loan Moratorium

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *