Skip to content

Bus na may sakay na 47 na mga guro, nahulog sa bangin sa Bataan

Bus na may sakay na 47 na mga guro, nahulog sa bangin sa Bataan

Nahulog sa bangin ang isang service bus ng Department of Education (DepEd) sa Orani, Bataan, pasado alas-11:00 umaga ng Sabado.

Sa inisyal na report ng Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, isang JAC Ankai Bus na may plakang SAA 9845 na minamaneho ni Marcelino Oliva, 62-anyos, ang nagkaroon ng break malfunction at nalaglag sa bangin sa sharp curve patungo sa Pagasa, Orani, Bataan.

Ang nasbing bus ay may sakay na 47 na mga guro mula sa Quezon City.

Kaagad na rumisponde ang Orani Rescue Unit, Metro Bataan Development Authority o MBDA para saklolohan ang mga sugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *