Dagdag Benepisyo Sa Mga Pampublikong Guro Isinusulong

Dagdag Benepisyo Sa Mga Pampublikong Guro Isinusulong

Isinusulong ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang pagbibigay ng dagdag benepisyo sa mga pampublikong guro na nakatalaga sa labas ng kanilang bayan, lungsod o lalawigan.

Sa House Bill 10174 o ang proposed Distant Public School Teachers Incentives Act, saad ni Vargas na dapat bigyang pansin ang dagdag gastusin ng mga guro sa kanilang pagbiyahe patungo sa kanilang mga paaralan.

“It is the hope of this measure to properly recognize and compensate our public school teachers who dedicate their lives to promoting quality and accessible education amidst the hardships of being assigned outside of their residence,” pahayag ni Vargas sa kanyang explanatory note.

Sa panukala, tatanggap ng dagdag na P2,000 monthly incentive ang mga pampublikong guro na nagseserbisyo sa labas ng kanilang mga bayan o lungsod. Ang mga guro naman na nakatalaga sa ibang lalawigan ay bibigyan ng monthly allowance na P4,000.

Agad namang ititigil ang pagbibigay ng benepisyo kung maibabalik na ang mga guro sa paaralan kung saan din sila nakatira.

Nakasaad din sa panukala na exempted sa buwis ang monthly incentive allowance.

1 thought on “Dagdag Benepisyo Sa Mga Pampublikong Guro Isinusulong”

  1. JACQUILINE M. NGASEO

    Maraming salamat po sa palaging pagtutok sa benepisyo naming mga guro. Ang sa akin lang po ay pakitingnan din po kaming mga nakatalaga sa sariling bayan o lalawigan pero malayo din ang aming tirahan sa paaralan kung kayat araw araw din po kaming namamasahe. Katulad din po ng hardship allowance… Pakireview din po guidelines… Salamat po

Leave a Reply

Your email address will not be published.