Skip to content

Academic commission services, ikinabahala ng mga guro

Academic commission services, ikinabahala ng mga guro

Nakakabahala ang natuklasan ng isang guro kung saan talamak di umano ang “academic commission services” sa pamamagitan ng social media.

Isinalaysay ni ‘T. Dione’ isang guro at administrator sa isang pampribadong paaralan sa Quezon City ang buong pangyayari ng magsumbong ang isang mag-aaral.

“May batang nag-report sa adviser niya na may nakita siyang tweet about academic commission services at yung mga outputs na pinapagawa ay kaparehas ng mga requirements nila. Nireport sa akin ng class adviser kaya nag-imbestiga ako. Laking-gulat ko na hindi lang pala mga outputs o requirements ang pinapagawa nila, pati pagsagot sa quiz at contest entries pwede na rin,” paglalahad ni T. Dione.

Paano raw nangyayari ang transaksyon batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon?

“Gumagamit ang mga bata ng codenames para hindi sila makilala. Kadalasan may groups sila sa Facebook or dummy account sa Twitter. Ipo-post ng client kung anong kailangan niya kasama ang instruction ng teacher at deadline. May mga iba na naglalagay ng budget nila para sa commissioned work.”

“Yung mga academic commissioner ay magko-comment sa post at kadalasan ay magse-send ng sample works nila sa private message. Bahala na ngayon ang kliyenteng mamili kung aling proposal ang pinakagusto n’ya at pasok sa budget,” paliwanag ng gurong administrador.

Para kay T. Dione, nakaaalarma ang ganitong gawain dahil nababalewala ang kagandahang-asal na dapat maituro sa mga mag-aaral.

“Nakakaalarma na may ganitong ginagawa ang mga estudyante kasi sa edad nilang ito ay may form of corruption nang nagaganap. Ang pagpapasa ng isang output na hindi naman ang estudyante ang gumawa ay pandaraya sa mga kapwa estudyante na nagsusumikap na magampanan ang mga iniatas na trabaho sa kanila.”

Nalulungkot din si T. Dione dahil ito ang naiisip na paraan ng mga academic commissioners upang kumita ng pera.

“Nakakalungkot din na may mga estudyante na ito ang ginagawang hanapbuhay o sideline. Sa kabilang banda, marahil ay dapat pang pa- aralan ng mga guro at school admins kung tama pa ba ang workload na ibinibigay sa mga bata at kailangan nilang humantong sa ganito.”

“Dapat rin sigurong rebyuhin ang guidelines ng mga paaralan hinggil sa academic integrity. Isa rin itong eye opener para sa mga guro at administrador na mas maging mapagmatyag at maghanap ng mas mabisang paraan kung paano ma-iinstill sa mga kabataan ang pagkakaron ng integridad.”

“The student will also be asked to serve community service. However, it is not enough that sanction will be given. More than this, the student needs guidance so he/she will be referred to the Guidance Office to help him/her process what happened and help her reflect on his/her actions. This will also help the student decide better should he/she face the same challenge in the future,” paliwanag ni T. Dione.

Bilang guro at administrador ng paaralan, may naiisip o maibibigay ba siyang solusyon para maiwasan ito lalo na sa panahon ngayon na online ang modality ng pagtuturo?

“Schools should strengthen their campaign about academic integrity and they should make sure that the activities of the students are manageable. Dapat ding i-require ang mga bata na mag-turn on lagi ng camera habang nagkaklase lalo na pag may test para makasigurong sila talaga ang sumasagot.”

“Dapat rin sigurong gumamit ng applications kung saan di makakapagbukas ng ibang websites ang mga bata habang nag-eexam.”

“Maganda rin siguro kung mabibigyan ng opportunity na makapagtrabaho yung mga ginagawang negosyo ang academic commissions para magamit sa mas magandang bagay ang kanilang skills and talents.”

Nagbigay naman siya ng mensahe para sa mga guro at mag-aaral tungkol dito.

“For the teachers, let us make the requirements manageable and fun. It is also a must for us to discuss to the students the importance or the essence of the activities that we give to them. Kung alam kasi nila kung anong skills ang dine-develop sa isang gawain o kung alam nila ang katuturan ng mga pinapagawa sa kainla, mapagtutuunan nila ‘yun ng pansin,” aniya.

“It is also the time for us to show our creativity in giving activities.”

Para naman sa mga mag-aaral, “For the students, please remember that these activities are not given just for the sake of giving them to you to generate grades. Instead these are given to help you gain skills and for the teachers to gauge in what aspects you excel and need help.”

“Paying others to do the work for you will not help you in the long run. Please also remember that when you join the workforce, you will be given more tasks than what you have right now. If you got used to others doing things for you, you will be lacking some skills in the future. Most importantly, integrity is one of the values that should be practiced at all times.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *