9 Paaralan Nasira ng Lindol sa Camarines Norte
Siyam na paaralan sa Vinzons, Camarines Norte ang napinsala ng magnitude 5.3 na lindol noong Miyerkoles.
Ayon kay Vinzons disaster management chief Fely Bardon na nagtamo ng maliliit na bitak ang mga gusali ng pitong pampublikong elementarya at dalawang pampublikong hayskul sa lalawigan.
Kabilang sa mga nasirang paaralan ang Banocboc Elementary School, Mangcayo Elementary School, M. Guinto Elementary School at Matango National High School.
Ayon sa opisyal na nagsasagawa na sila ng assessment sa mga nasirang eskuwelahan.
May naiulat din na mga napinsalang eskuwelahan sa bayan ng Mercedes.
“May mga reported sa amin, may mga nag-crack sa mga school building, iko-consolidate namin para makapagbigay kami ng report,” wika ni Councilor Jude Hernandez.
“Walang masyadong damage. Pagkatapos po ng lindol, nagpaikot agad ng response team ang MDRRMO, chineck iyong mga school, iyong mga estudyante,” dagdag pa niya.