Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

20 Percent Fare Discount Para Sa Mga Guro Isinusulong Sa Kongreso

20 Percent Fare Discount Para Sa Mga Guro

Hangad ni Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson na mabigyan ng 20% discount sa pamasahe sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan ang mga guro.

Sa House Bill 4129 o proposed Teacher Fare Discount Act, ipinaliwanag ni Lacson na malaking tulong sa mga guro kung maibsan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin.

“In order to assist our teachers in the fulfillment of their noble profession of instilling life skills and values to our schoolchildren and to better recognize and appreciate their contributions in nation-building, it is incumbent upon the State to grant fare discounts to teachers, helping them in making ends meet,” pahayag ni Lacson.

Para makapag-avail nito, kailangan lang magpakita ng mga guro ng validated school employee’s identification card.

Kung walang valid school employee identification card, pwedeng gamitin ng guro ang kanyang Professional Regulation Commission Identification card.

Nilinaw naman na maaari lamang makapag avail sa pribilehiyo tuwing school days.

Ang mga driver na hindi magbibigay ng discount sa mga guro ay papatawan ng isa hanggang tatlong linggong suspensiyon ng lisensiya at P1,000 multa.

OUR LATEST POST