DOH: Mga batang 12 pataas maari ng magpabakuna laban COVID-19 simula Nov. 3
Ayon mismo sa Department of Health na maaari nang magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula Nov. 3.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr..
“Pfizer and Moderna vaccines will still be used among children during the nationwide rollout. Further details and the guidelines with regard to the nationwide expansion of pediatric vaccination will be released once finalized,” paliwanag ni Vergeire.
“Dati kasi ay sa Metro Manila lang pinapayagan ang pediatric vaccination sa mga 12-17 years old gamit ang Pfizer at Moderna, na kinakailangang may comorbidity pa o karamdaman.”
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority ngayong 2021, aabot sa 12.7 milyon ang populasyon ng mga 12-17 taong gulang sa bansa.
Wala pa namang detalye kung saang mga rehiyon, anong mga ospital at pasilidad at kung ilang menor de edad ang target mabakunahan ng gobyerno sa ngayon.
Patuloy namang ineengganyo ng DOH ang adult population, lalo na ‘yung mga senior citizens at may karamdaman na magpabakuna para maabot ang “cocoon effect” na makakapagbigay din ng proteksyon sa mga bata.