10K One-Time Cash Subsidy sa Estudyante Isinusulong

    10K One-Time Cash Subsidy sa Estudyante Isinusulong

    10K one-time cash subsidy sa bawat estudyante ang isinusulong ng mga kongresista bilang tulong sa gitna ng COVID19 pandemic.

    Ang panukala ay inihain nina Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas at Bayan Muna Partylist Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat.

    Ayon sa mga mambabatas nakakabahala na ang mataas na dropout rates at pagtaas ng mental health issues sa mga estudyante.

    “Students are experiencing difficulties as to how they can continue to fund their education because their parents are unemployed, underemployed, or receiving meager wages,” pahayag ng mga kongresista sa kanilang explanatory note.

    Batay sa panukala aabot sa P271 bilyon ang kakailanganin para sa implementasyon nito.

    “This is critical in ensuring that amongst students, those who are economically disadvantaged can still access quality learning. The one-time cash subsidy will be able to help improve access to gadgets, internet connectivity, printing of modules and other materials, and even tuition payments,” pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Elago .

    See also  China donates 2K tablets to Pinoy students

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *