Viral: Wala akong pakealam sa module niyo kung mabasa. Mas mahalaga kaligtasan nyo

“Wala akong pakealam sa module niyo kung mabasa. Mas mahalaga kaligtasan nyo”

Malasakit ng Guro sa kanyang mag-aaral viral sa social media: “Wala akong pakialam sa module niyo; napapalitan yang mga modules kayo hindi,”

Marami sa ating mga kababayan ang hinagupit ng magkasunod-sunod na bagyo lalo na sa Luzon area. Sinubok ang katatagan sa mga baha na nararanasan na sadya namang hindi inaasahan. Kaya pati pag-aaral ng mga kabataan ay naapektuhan.

Nagviral ngayon sa social media ang post ng isang guro na si Majie Cartajena kung saan namangha ang marami sa malasakit niya sa kanyang estudyante na binaha ang bahay.

module

Credit: Majie Cartajena

Makikita ang sitwasyon ng bahay ng kanyang mag-aaral sa larawang ibinahaging larawan ng guro, kulay putik na tubig ang unti-unting umukupa dito.

Sa kabila ng nakakatakot na sitwasyon, naisip pa ng bata na ipaalam sa kanyang guro na nabasa ang mga module nito.

“Ma’am ianalon po module ko…Basa,”

Namangha ang mga netizen sa naging sagot ni Cartajena sa sitwasyon ng kanyang estudyante, at sinabi niyang unahin munang iligtas ang kanilang mga sarili sa baha at wala na siyang pakialam sa mga modules nito.

“Wala akong pakealam sa module niyo kung mabasa. Mas mahalaga kaligtasan nyo. Unahin niyo muna sarili at pamilya nyo,”

“Napapalitan yang mga modules kayo hindi,”

“Di ko alam mararamdaman ko mukang inisip pa ng bata na to sasabihin ko kasi nabasa module nya,” dagdag pa ng guro.

Ipinakita ng batang ito na kahit pa sa anong pagsubok dumating, hinding-hindi niya parin nakakalimutan ang kanyang pag-aaral at abutin ang pangarap.

READ  Ano ang istorya ng 13th month pay mo?

Source: Majie Cartajena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *