Skip to content

11,000 Teachers Nabakunahan Na Laban COVID19

11,000 Teachers Nabakunahan Na

Umaabot na sa 11,000 guro ang nabakunahan na laban sa Covid19.

Batay sa salaysay ni Education Undersecretary Jesus Mateo, nasa 11,000 teachers ang naturukan na ng bakuna base sa priority list.

“Base sa ating nakuhang impormasyon, mayroon na tayong humigit kumulang 11,000 na po na mga nabakunahan ayon po ito sa prioritization pero may mga ongoing pa po,” saad ni Mateo.

Binigyang-diin ni Mateo na ang vaccination ng priority group ay nakabatay sa suplay ng bakuna.

“Siyempre depende sa supply ng vaccines, ina-assure natin na kasama sa priority ang mga guro.”

Ang mga guro ay kasama sa mga prayoridad na nakalinyang bakunahan kasunod ng medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *