Sweldo ng Public School Teacher Aabot na sa P62K-DepEd

    Sweldo ng Public School Teacher Aabot na sa P62K

    Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones na aabot sa P62,000 ang pinakamataas na sahod ng mga guro sa 2022.

    Ito ay bago pa man matapos ang panunugkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

    Nasa P62,449 ang magiging sahod ng mga Master Teacher IV sa susunod na taon.

    “So by the end of your term, first we started the highest level for a teacher, Mr. President, perhaps your mother was a Master Teacher but she was even higher than this,” sabi ni Briones sa ulat niya sa Talk to the People.

    “When you came in, the salary of the highest teacher grade was P43,000… And by 2022, when you finish your term, your highest teacher, this is Master Teacher IV, will be at 62,449 basic salary, Mr. President,” dagdag ni Briones.

    Dagdag pa ng kalihim, aabot naman sa halos P64,000 ang pinakamataas na sahod ng mga guro sa 2023.

    Binanggit din ni Briones na bukod pa ito sa iba’t ibang benepisyo ng mga guro.

    See also  No graduation rites nationwide while quarantine continues

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *