PRINTERS, ipinamahagi ng school principal gamit ang MOOE fund
Isang school principal ng Pablo M. Conag Central School sa Esperanza, Masbate ang namahagi ng printer gamit ang kanilang pondo sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).
Ayon kay Noel A. Hibo, principal ng PMCCS bumili sila ng 20 unit na printer at 200 reams bondpaper gamit ang MOOE. Magagamit ang mga ito para sa pag imprenta ng mga modyuls.
Bumili din ang paaralan ng isang automatic Thermal Scanner at Soap Dispenser.
Ang bawat paaralan ay may pondong nakalaan para sa MOOE.
Binigyang prayoridad ni Hibo ang pangunahing problema ng kanyang mga guro sa kasalukuyan gamit ang MOOE.
Para kay Hibo, ang proyekto ay isang inspirasyon sa mga guro upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pagseserbisyo.