Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Dapat suriin kung natututo nga ba ang mga kabataan sa ilalim ng distance learning setup – Gatchalian

Natututo nga ba ang mga kabataan

Nais masuri ni Senator Win Gatchalian kung natututo nga ba ang mga mag-aaral sa ilalim ng distance learning setup. Ito’y sa kabila ng paninindigan ang DepEd na walang malinaw na basehan ang mga ulat ng massive dropouts.

Para sa kanya, isang nakakabahalang sitwasyon kung tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na hindi handa para sa susunod na antas ng pag-aaral.

Ayon pa sa Senador, masasayang lamang ang panahon at salapi na ibinuhos sa isang buong school year kung umabot sa sitwasyon na wala palang sapat na natututunan ang mga mag-aaral.

Kaya mahalaga ang papel ng assessment sa distance learning para malatag kung saang aspeto ang dapat tutukan at malaman kung saan nahihirapan ang mga mag-aaral.

Para kay Gatchalian, ang pag alam sa mga ito ay makakatulong para sa pag-target ng mga mag-aaral kung kinakailangang magsagawa ng mga remedial programs.

“Ang ating layunin ay masigurong ang ating mga mag-aaral ay natututo at hindi umuurong ang kanilang kaalaman sa ilalim ng distance learning. Kaya mahalaga ang assessment tools upang matukoy natin kung saang aspeto natin sila dapat tulungan,” ani Gatchalian.

Dagdag ni Gatchalian, dapat ding suriin kung mabisa nga ba ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo, kabilang ang modular distance learning, online learning, at paggamit ng radyo at telebisyon.

OUR LATEST POST