May limitasyon sa paglalabas ng pondo
Alam ng DepEd na kulang ang 300 pesos na buwanang reimbursement para sa communication expenses ng mga tauhan nito.
Matatandaan na naglabas ang departamento ng guidelines na nagbibigay ng awtorisasyon sa pagbabayad ng communication expenses na may kinalaman sa pagpapatupad ng alternative work arrangements para sa taong 2020.
Mula March 16, 2020 hanggang December 31, 2020 ang sakop ng payment para sa communication expenses.
Humihingi ang DepEd ng pang-unawa dahil mayroon silang limitasyon lalo na sa paglalabas ng pondo.
Nanindigan ang DepEd na hindi sila maaaring maglabas ng reimbursement bilang allowance lalo na kung walang basehan.