Skip to content

Mag-asawang public school teacher na papasok sa iskul nabangga ng truck, patay

Mag-asawang public school teacher na papasok sa iskul nabangga ng truck

Patay ang mag-asawang guro matapos makipagsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa humaharorot na truck habang papunta sa paaralan sa highway ng Barangay Mataguisi, Pudtol, Apayao noong Biyernes.

Ang mga nasawi ay sina Mark Abad Ventura, 29-anyos, at kanyang misis na si Jaysa, 27. Kapwa nasawi ang dalawa habang ginagamot sa hospital.

Ayon sa report ng pulisya, naganap ang banggaan ng dalawang sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway dakong alas-8:00 ng umaga.

Ilang metro na lang sana ang layo sa Mataguisi Comprehensive National High School kung saan papunta sa trabaho ang mag-asawa.

Nakasuot pa umano ng raincoat ang dalawa at sadyang madulas ang kalsada sanhi ng malakas na ulan nang mangyari ang trahedya.

Kahit walang face-to-face classes, sinasabing nagre-report ang mag-asawa sa paaralan upang magmonitor sa kalagayan ng kanilang pinamahaging learning modules.

Sumuko naman kaagad sa awtoridad ang drayber ng trak na si Reynaldo Maruquin, 39, na taga Sta. Marcela, Apayao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *