Handa na ba ang Pilipinas para sa face to face learning ngayong January 2021?

Handa%2Bna%2Bba%2Bang%2Bpilipinas%2Bpara%2Bsa%2Bface%2Bto%2Bface%2Blearning%2Bngayong%2Bjanuary%2B2021

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring magbalik na ang face-to-face classes ngayong January 2021 ngunit nasa Pangulong Duterte pa rin ang final decision dito. Sari-sari ang naging komento at suhestyon ng mga netizens patungkol dito. Handa na nga ba ang bansa para sa face-to-face learning?


Mga Magulang

May ibang magulang na nag suhestyon na tapusin nalang daw ang school year na ito dahil ayaw nilang ilagay sa peligro ang buhay ng mga anak nila. Mas mabuti na nga daw na ligtas ang kanilang mga anak kung sakaling kakalat na muli ang virus (sana naman ay hindi na). May punto nga din naman ang mga magulang na ganito mag-isip. Total naman daw ay nasimulan na ang modular learning ay bakit hindi nalang daw ito tapusin ngayung school year. May mga magulang din na nagkomento na kaya daw gustong mag face-to-face agad dahil nahihirapan na ang mga guro dahil gumagastos na sila ng sariling pera nila para sa mga learning materials. Meron ding mga magulang na nagsabing titiisin nalang daw nilang turuan ang anak nila kesa sa papuntahin sa mga paaralan ang mga anak nila gayung di pa sigurado ang kaligtasan ng mga ito. Kadalasan sa mga magulang ay gustong ipagpatuloy nalang ang modular learning at mabutihing hintayin ang vaccine bago papasuking muli sa mga paaralan ang mga kabataan. 

Mga Guro

Kung pagababasehan ang hirap at pagod ng mga guro dahil sa modular learning, marami talaga sa kanila ang sasang-ayon sa face-to-face learning ngunit, kung pag-uusapan ang kaakibat na responsibilidad sa pagsiguradong ligtas ang lahat na mag-aaral nila (30 pupils sa elementary at 40 plus naman sa mga hayskul) ay mabuting ipagpapatuloy nalang ang nakagawiang modular learning. Hindi madali sa parte ng mg guro ang asikasuhin lahat at siguraduhing ligtas lahat dahil hindi naman mako-kontrol ng isang guro lamang ang  bawat galaw ng  mga estudyante. Marami talaga ang mga pasaway din na mag-aaral at paniguradong sila yung hindi madaling susunod sa mga protocol sa paaralan. Kung ang mga magulang nga kapag nasa mga shopping malls at establishments minsan ay hindi na sumusunod sa mga awtoridad, pano pa kaya ang mga bata?  Kahit sabihin nating nasa good management yan ng mga guro, hindi talaga madali ang pag disiplina. Mas mainam na sigurong patapusin nalang ang school year at siguraduhing may vaccine na para siguradong ligtas ang lahat.

Mga Nakakataas 

Madali lang naman sabihin na handa na ang DepEd sa pagbukukas  dahil sa totoo lang hindi naman nila alam ang talagang tototong nagyayari sa mga paralan nila. Lahat ng trabaho ay mga guro ang gumagawa at hanggang sa pagsunod na lamang ang mga guro kung ano ang sasabihin sa itaas.  Ang mabuti na lamang gawin ay maging handa nalang ang lahat sa kung sakali ano ang mangyayari sa susunod na taon. Sa usaping ito, hindi din naman basta basta nalang ilalagay ng mga opisyal ang buhay nating lahat sa peligro. Makapag hihintay naman tayo sa muling pagbubukas ng face-to-face learning.

Opinyon ng Nakararami


READ  60-day moratorium of loan payment included on the newly-signed Bayanihan to Recover as One Act

Sa susunod na taon natin malalaman kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ng lahat. Sa ngayon, hanggang komento at suhestyon lang muna ang pwede nating ibato. Siguro naman ay pag-aaralang mabuti ang sitwasyon na ito ng ating mga opisyal at higit sa lahat, mananaig pa din ang kung ano ang nararapat para sa masa. – Clea | Helpline PH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *