Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Gatchalian: Face to face classes sa School Year 2021-2022 mukhang malabo

Face to face classes sa School Year 2021-2022 mukhang malabo

Ayon kay Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na para sa kanya hindi sigurado kung magkakaroon na ng face-to-face classes sa School Year 2021-2022.

“To be honest, medyo na-thrown off ako, nawala ako doon sa aking direksiyon na sana magbukas ng face-to-face classes na this coming school year,” saad ni Gatchalian.

“Ito ay isang bagay na talagang hindi natin nakita, itong pagtaas uli ng bilang ng Covid sa atin. So in other words, sa ngayon dahil nga tumataas ang bilang ng Covid, ang puwede nating gawin ay paghahanda,” diin ng senador.

“This coming school year, mahirap sabihin kung magkakaroon tayo ng face-to-face dahil this coming school year ang target is between August and September. Napakahirap sabihin ngayon dahil nga sa sitwasyon natin,” dagdag niya.

Sinabi naman ng senador na kailangan lamang ay tuloy pa rin ang paghahanda na makabalik sa normal ang sitwasyon.

“At one point, naniniwala ako na matatapos din ito, huhupa rin at babalik tayo sa normal as much as possible at maghanda rin tayo doon at kahit bumaba ‘yan dapat tuloy pa rin tayo sa pagsusuot ng mask at paghuhugas ng kamay,” dagdag ng mambabatas.

Saad rin ng senador na kung magkakaroon man ng pilot implementaion ng face-to-face classes sa ibang lugar ay mas makabubuting gawin na ito.

“I still think for the best pa rin. Kung puwede tayong mag-umpisa ng pilot testing doon sa mga GCQ areas dahil marami tayo, almost 11 million students ang nasa MGCQ areas, ‘yung pinakamababang quarantine. So mahigit kalahati ng mga estudyante natin nasa pinakamababang quarantine areas na tingin ko puwede nang mag-pilot testing doon,” dagdag pa ni Gatchalian.

OUR LATEST POST