Face-To-Face Classes Hindi Sapilitan Kung Sakaling Payagan – DepEd

    Face-To-Face Classes Hindi Sapilitan Kung Sakaling Payagan

    Magiging optional lamang ang face-to-face classes sa mga estudyante kung sakaling payagan na ito, ayon sa Department of Education.

    Ayon Undersecretary Diosdado San Antonio na hindi obligado ang mga estudyante na pumasok sa eskwelahan.

    Dagdag ni San Antonio na distance learning pa rin ang gagamitin sa susunod na pasukan.

    “Paano kung napili ang school namin ayaw ko ang anak kong papasukin? Hindi po siya pipilitin. Siya po ay mag-online or distance learning pa rin,” pahayag ni San Antonio.

    Inirekomenda lang ng Department of Health ang face-to-face classes sa mga lugar na wala nang naitalang kaso ng Covid19.

    “Maliwanag naman na kung may mataas na risk hindi papayagan Ang listahan namin ang pagkakaunawa namin is 100 areas around the country para mabigyang tuon ang concern sa mga paaralan na ito,” paliwanag niya.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *