Paglalabas ng downloaded funds para sa Service Recognition Incentive (SRI), sinimulan na.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, aprubado na ni Secretary Briones ang pagda-download ng SRI funds sa mga rehiyon at sinisimulan na ito ngayon linggo.
Ang mga regional finance officers naman ang naatasan na i-download ang pondo sa School Division Offices. At ang School Division na ang mamamahagi nito sa mga qualified employees.
Kinikilala ng DepEd ang serbisyo ng mga manggagawa lalo na sa paghahatid ng blended learning approach.
Marami ang nagsasabi na nararapat na bigyan ng maximum SRI ang mga kawani ng DepEd sa dedikasyon nito lalo na sa panahon ng pandemiya.
Sinabi rin ni Sevilla na nagpapatuloy ang negosasyon para payagan ang DepEd na maabot ang allowable maximum rate na 10,000 SRI bawat empleyado.
Nauna ng naipabalita na nasa 5,000 to 6,000 lamang ang matatanggap na SRI ng mga empleyado ng DepEd.