Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Mga gurong hindi makakatanggap ng 5K Cash Allowance sa SY 2021-2022

Mga gurong hindi makakatanggap ng 5K Cash Allowance sa SY 2021-2022

Nagbigay ng pahayag ang Department of Education ukol sa pamamahagi ng cash allowance ng mga guro para sa SY 2021-2022.

Saad ng DepEd, patuloy na pagbibigay suporta sa pangangailangan ng mga guro sa paghahatid ng edukasyon sa gitna ng pandemya. At nakatakdang ipamahagi ng ahensiya ang Php 5,000 cash allowance ng mga guro para sa Taong Panuruan 2021-2022.

“With the help of Congress, the Department is continuously pushing for better financial support for our public school teachers. This year is actually the start of the staggered increase for our teachers’ cash allowance who are truly committed to deliver quality education despite the pandemic,” ani Kalihim Leonor Magtolis Briones.

Ipagkakaloob ang Cash Allowance na hindi mas maaga sa opisyal sa pagbubukas ng taon ng pag-aaral, o naaayon sa pagpapasya ng Kalihim ng Edukasyon o itinalagang mga awtoridad sakaling may mga emergencies.

“Importante po na magkaroon tayo ng desisyon kung kailan yung susunod na school year calendar dahil ihahanda din po namin sa finance ang pagbibigay ng cash allowance para sa ating mga guro. Last year, it is P3500, but this year this is now P5000. Also there is transportation and teaching aid allowance for our Alternative Learning Service teachers,” ayon Pang. Kal. Sevilla.

Ang cash allowance ay ipagkakaloob sa lahat ng permanente at mga pansamantalang pampublikong mga guro, kasama ang mga Alternative Learning System (ALS) Mobile at District ALS Coordinators (DALCS), sa lahat ng pampublikong elementarya, junior, at mga senior high schools, at community learning centers.

Ngunit, may ilang mga guro na hindi makakatanggap ng nasabing cash allowance.

  • Ito ay ang mga gurong walang teaching load,
  • absence without leave,
  • mga nasa indefinite leave of absence,
  • maternity leave,
  • study leave,
  • guilty sa anomang pagkakasala na may kinalaman sa kanilang trabaho,
  • at mga wala na sa serbisyo sa opisyal na simula ng taong panuruan.

Source: DepEd

OUR LATEST POST