Ano nga ba ang Christmas Gift ng GSIS sa kanilang mga miyembro?

GSIS%2BChristmas%2BGift

Sinagot ni Government Service Insurance System (GSIS) President at General Manager Rolando Macasaet ang ilang mga mahahalagang katanungan tungkol sa loan moratorium sa panayam ni Usec. Raffy Ignacio.


Ilan sa mga sinagot na tanong ay nasa ibaba, basahin para magabayan.

Tanong: Hanggang kailan ang period na sakop ng Bayanihan 2 loan?

Sagot: “Sa Bayanihan 1 pa lang ang GSIS ay hindi na sumingil ng amorization from March, April, May, at June (apat na buwan). Sa mga charge, i-rerefund namin, actually nagsimula na kaming mag –  refund at 90% na ang nairefund na namin. Sa Bayanihan 2, i – implement din namin ito, from November and December, ang maganda nito lalaki ang take home pay nila by November and December. Hindi kami sisingil ng November and December. Magbabayad sila ulit by January 2021. Ito yung Christmas Gift namin sa aming mga meyembro.

Tanong: Sino-sino ang covered sa GSIS moratorium program?

sagot: “Lahat ng active members na walang past due at nagbabayad ng kanilang monthly premium on-time. So lahat sila pwedeng maka avail nito.”

Tanong: Paano makakapag-apply ang mga GSIS pensioners at members sa naturang mo moratorium?

Sagot: “Wala ng apply. Sa November at December hindi na mag – aaply automatic kami na ang bahala. Hindi namin i-dededuct ang monthly amortization sa GSIS”

Tanong: Kailan ulit makapagbayad ng loans?

Sagot: Pagdating sa Enero yun parin and babayaran. Kung magkano ang monthly mo, yun parin ang babayaran.

Panuorin ang buong detalye:


READ  Duterte allows face-to-face classes in low-risk areas

1 thought on “Ano nga ba ang Christmas Gift ng GSIS sa kanilang mga miyembro?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *