Angel Locsin tinawag na obese sa isang DepEd module
Kumalat sa social media ang isang bahagi ng module kung saan ay direktang tinawag na “obese” si Angel Locsin. Ang nasabing module ay inihanda para sa Schools Division of Occidental Mindoro na gawa ng isang guro na si Keith Richard Firme.
Sa isang bahagi ng module ay ito ang nakasulat:
“SITUATION. Angel Locsin is an obese person.
“She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time.
“In her house, she always watching television and does not have any physical activities.
“QUESTIONS: (5 pts each)
“1. What do you think will happen to Angel if she continues her lifestyle?
“2. How do lifestyle affects the health of an individual?”
Marami ang nagalit at bumatikos sa nasabing guro dahil sa pangungutya sa aktress.
Sa kasalukuyan ay hindi na maaccess ang facebook account ni Sir Firme at tila ay dineactivate ito.
Wala pang inilabas na pahayag ang DepEd tungkol sa isyu.