Ika-48 Pambansang Seminar ng Gawaing-Kapulungan sa Filipino
Ang Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod sa Filipino (PASATAF) ay magdaraos ng Ika-48 Pambansang Seminar ng Gawaing-Kapulungan sa Filipino na may temang, “PASATAF: Tumutugon sa Iba’t Ibang Hamon ng Paghubog sa Bagong Normal na Edukasyon”, gaganapin ito sa pamamagitan ng birtuwal na platform sa tatlong magkakasunod na Sabado sa ika-13, 20, at 27 ng Nobyembre 2021.
Layunin ng seminar na:
- Malinang ang kulturang pang-edukasyon bilang tugon sa progresibong hamon ng panahon na kinakaharap ng kasalukuyang sistemang bagong normal na edukasyon.
- Magamit sa aktuwal na pagtuturo ang mga napapanahong estratehiya sa K to 12 tungo sa may kalidad na edukasyon sa panahon ng pandemya.
- Maiangat ang sigasig/hikayat sa pagtuturo sa pamamagitan ng pro-aktibong pagpapaunlad ng K to 12 Kurikulum. Inaanyayahan ang mga kinatawan ng punong tanggapan ng DepEd, panrehiyon at pansangay na Tagamasid sa Filipino, mga guro sa elementarya at sekondarya sa mga pampubliko at pampribadong paaralan, at mga bagong kasapi ng samahan, mga miyembro ng iba’t ibang kapisanang pangwika sa edukasyon, mga gurong nagtuturo ng Filipino at mga asignaturang mga wikang panturo ay Filipino, at sinomang may interes sa usaping
pangwika.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan alinman sa mga
sumusunod:
• Dr. Elpidia B. Bergado
Pangulo
Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod sa Filipino
Mobile Phone Numbers: 0917-859-0847/0919-066-5896
• Gng. Viola S. Esparagoza
Kalihim
Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod sa Filipino
Mobile Phone Numbers: 0927-858-3868/0922-207-4102
Read Advisory No. 066, s. 2021 for more details.