Helpline PH

Your one-stop resource for government services in the Philippines

Listahan ng 30 paaralan na magpapatuloy sa pilot implementation ng face-to-face classes

Listahan ng 30 paaralan na magpapatuloy sa pilot implementation ng face-to-face classes

Mula sa 59 na paaralang pumasa sa granular risk assessment, at kinilalang minimal o low risk ng Department of Health (DOH), 30 ang magpapatuloy dahil sa mas pinaigting na pagpapahalaga sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Upang matagumpay nating maisagawa ang pilot implementation ng face-to-face classes, lubos nating kinikilala ang kahalagahan ng responsibilidad ng bawat isa at komunikasyon sa pagitan ng Department of Education at mga local government units.

Mahalaga ring tandaan na kinakailangan ng written consent ng mga magulang upang makabilang ang kanilang anak sa isasagawang pilot implementation ng face-to-face classes kung napili man ang kanilang paaralan.

Para sa iba pang detalye kaugnay sa mga panuntunan ng pilot implementation ng face-to-face classes, basahin ang DepEd-DOH Joint Memorandum Circular No. 1, s. 2021: https://bit.ly/DepEdDOHJMC1S2021

Source: DepEd Philippines

OUR LATEST POST